Lagkit

Posted: March 19, 2016 in Uncategorized

Ang pawis sa aking leeg ay naghihintay na himurin ng hinahon ng lamig mo at nanganganib akong lalo lang kumulo.

Nakikipagtitigan ako sa yelo. Gaano pa kaya katagal bago ka matunaw sa tingin ko?

 

 

 

Advertisements

kapilas ng buhay

Posted: January 27, 2016 in Uncategorized

Mula nang halinahin ng iyong kariktan
Inuugoy ng walang hanggang galamgam
Nag-uumapaw sa mga rekwerdo ng tamis at saya
Katulad ng isang umaga ng linggong halos hindi nagkikibuan, magkatabi at parehong abala

Sa bawat pag-abot ng kamay mo sa akin, sa maliliit na halik at sandaling mga yapos
O kahit pa wala
Alam kong hindi ako mag-isa
Walang pinag-iba sa mga gabing puno ng halakhakan habang magkahalabid ang mga binti at bisig

Kaya itatrato kong regalo ang bawat gabing nagtatapos sa tahimik at kalmang pagbalot ng mga bisig mo sa akin
Susulitin ko ang bawat umagang gumigising sa iyong tabi, sinasalubong ng iyong ngiti
Hindi kailanman iignas, kundi lalo pang kakapit

Masasabik na parang kulang sa oras
Manggigigil na parang hindi sa tahanan mo umuuwi
Iibigin ka na parang wala nang bukas

 

 

CherryRed 2015

Experimentation

Posted: October 27, 2015 in Uncategorized

INT. DARKROOM – NIGHT

“It sucks that we are both storytellers but our story should never be known to anyone.”

“That’s what metaphors are for. May laro tayo mula ngayon.”

“Ano?”

“Mula ngayon mag-uusap tayo na mga metapora lang ang gamit. Magtitinginan lang tayo kung may lente sa pagitan.”

“Game.”

CherryRed 102715

Mise-en-SIN

Posted: October 7, 2015 in Uncategorized

it might not be a a sin per se
you are the smash cut in this film
a poetically artful addiction
and i was hooked on the anachronism of the whole scenario
and that when things appear to be anamorphic,
someone might be there to hold my hand

i wish i could be the narrator with an omniscient point-of-view
and so we toast to happiness
we raise our glasses and finish our drinks while laughing about the stupid things we did before
of crazy shit situations we survived, of grudge fucks and heartbreaks and tears that dried up on our faces
we laugh at our sight-gags and slurred words
and realise that the world is not that complicated after all

“roman a clef”
we are fictional characters and i am waiting for the big reveal

sometimes it feels like making beautiful new memories while overcranking thousands of money shots
just so we can playback a very lovely slow motion of studied juxtaposed climactic scenes

i choose to believe we are two crazy split-reels
that would give the moviegoers a really good time

Cherry Red [edited 100715]

details

Posted: October 6, 2015 in Uncategorized

you were fixing your hair and
the thought of my fingers going through your hair distracts me
there are very specific details you can see in the dark
there are very little details that will stick to memory
fifty-eight minutes
three sticks of cigarettes
two minutes of stolen glances
seven and a half sighs
three awkward smiles
4-second long whispers

the music dances on the tip of my ear
but i do not hear it yet

CherryRed 100615

isang munting pitik ng anghang
ang yumugyog
at sumilip sa bintana ang isang palaisipan
inulan ng nyebe ang maghapong noo’y nag-aalab
may isang pirasong buhok ang nalagas
nahulog sa tahimik na tubig
ngunit wala ni isang nakapansin
kalabog sa natutulog na pagkatao
kalabit panggising sa tahimik na pananatili
hinihilang pabalik ang tumalikod
kinakatok ang nagsara nang pinto

CherryRed 100415

huwag mong kalimutan

Posted: August 14, 2015 in Uncategorized

sa kwentong ito, hindi masusukat sa kinang o bigat ang mga gintong iniipon natin sa ating palasyo.

halos sabay bumigat ang ating mga balikat, nagkadaupang-palad, ngumiti at kapwa tumalikod na sa nakaraang nagkakadena sa atin sa lumbay. naaalala mo ba? sabay nating tinawanan ang lahat ng mga noon na nabulok na sa mga tistisan ng alaala, ang lahat ng mga ngayon na hindi na mangyayari, ang lahat ng mga bukas na hiniling lang sa panaginip noong mga panahong pareho tayong walang malay at naniwala tayong pagmamahal na nga ang tangan natin.

ilang dekada na nga ba ang pakikipagpatintero mo sa mga payaso bilang manonood? gaano katagal bago mo napagtanto na ikaw na pala ang payaso at sila ang nanonood? sino ang nasa entablado at sino ang tagapalakpak? nasaan ang mga dugo at luha na pumatak sa iyong mga pakpak? minsan masyadong mabigat ang daluyong ng hanging humahampas sa iyong likuran, halos mangudngod ka kung hindi mo bibilisan ang padyak. minsan ay halos tuyo at mabagal kang pepedal habang nilalamon ng araw ang iyong balat. minsan ay patagilid ang unos at halos matumba ka – desisyon mo pa rin kung sa kanan o kaliwa ang bagsak.

ilang beses ko mang ipaalala sa iyo marahil ay makakalimutan at makakalimutan mo din. lalo kapag ika’y lito. lalo kapag hinahamon kang lumaban ng buhay at ng panahon. madami ka nang mga buhawing hinarap nang bukas ang mga palad, nakataas ang mga kamay, pikit-matang hinayaang lamunin ka ng lakas ng hangin, hinayaang mapunit ang damit, hinayaang magkagalos ang mga balat. ano pa ba ang hindi mo makakaya?

cherryred 081415