Archive for September, 2012

It’s all happening

Posted: September 29, 2012 in Uncategorized

I am so happy right now I can literally burst into tears. Finally, this idea will become a film. Thank you Miko, Piper and Monique for helping me with this. Ang sarap lang ng feeling na yung idea mo ay magiging pelikula na sa wakas. At lalong masarap malaman na may mga kaibigan kang handang magbigay ng panahon at effort para dito. Hindi birong gumawa ng pelikula at lalong hindi birong isakatuparan ang isang matagal mo nang balak. Nakakatuwa lang na sa wakas nangyayari na talaga ito. Halos dalawang taon din tumira yung konsepto na to sa utak ko. Dalawang taon bago ako kumilos para gawin ang screenplay at kumbinsihin ang sarili na “oo, i can pull this off.”

Matagal din bago ko nakumbinsi ang sarili na maglabas ng pera para dito. Sabihin na ng lahat na baliw ako. Pero sa totoo lang, simple lang naman ang logic nito e. Lagi ko ngang sinasabi sa mga taong nagugulat na gagawa ako ng isang passion project: “Lahat ng tao may bisyo o luhong ginagastusan. Nagkataon lang na film ang bisyo ko.”

Tapos na tayo sa unang meeting, unang diskusyon ng script at isang audition day. Pero madami-dami pa tayong gagawin. Kabilang na dyan ang isang rehearsal night, isang shooting day, mga editing at musical scoring sessions pero dahil andyan kayo sa tabi ko, mas kampante ako na matatapos ito ng maayos at may sigh of relief tayo sa dulo habang sinasabing “it’s a wrap”.

Salamat ulit Miko, Pip at Mon. Let’s do this! đŸ™‚

bad dream day

Posted: September 24, 2012 in Uncategorized

Dalawang beses na akong nananaginip ng hindi maganda ngayong araw na ito. Una, kaninang umaga. Pagkaalis ni Kelsey papuntang school, nagsulat lang ako sandali pagkatapos ay natulog ulit, mga 7am to 10am.

Masamang panaginip number 1:

Nasa Singapore daw ako, nasa may Marina Bay Sands. Tapos may parang rowing contest na may representative pa from the Philippines. Dahil sa dami ng tao, hirap na hirap akong makabalik sa building na dinaanan ko. Madaling madali daw ako, buti na lang Pinoy yung guard at madali kong napapayag na padaanin na ako agad. Tapos biglang dumating si Monique (at biglang parang nasa Bangkok na kami). Nagpapanic na ako nun kasi daw si Kelsey ay pinauna ko somewhere at nagwoworry nako kasi halos limang oras na akong wala tapos wala man lang dalang pera si Kelsey. Wala din syang kasama. Sinamahan kami ng 2 locals na nameet lang namin dun. Tapos yung nasakyan naming taxi, buhagin na tubig-tubig pa yung flooring sa loob. Malayo pa daw yung lugar na yun sabi ng driver. Tahimik na lang ako nun, nag-iisip kung asan na kaya si Kelsey. Sana andun pa sya.

Tapos bigla na kong nagising. Nagpunta sa kapatid kong cute sa Malolos. After lunch umuwi na ako ulit ng bahay tapos nakatulog ako. Mga 3pm to 4pm.

Masamang panaginip number 2:

Nasa shoot daw kami ni Monique tapos biglang may mga robot na dumating. As in malalaking mga robot ito ha. Tapos dumating na sa point na aalis na daw yung mga tao dun kasi hindi ng safe. Ang bilis ko lumakad. Nagtanggal na ko ng sapatos para mas mabilis. Tapos iniisip ko hindi ako pwede mamatay dahil kay Kelsey. Tapos si Monique biglang nagsabi na hindi sya sasama kasi hassle daw. Andun kasi yung mga gamit nya. Umoo lang ako na parang alam kong makakasurvive naman sya. Ayun, kinabukasan lumabas yung balita na umalis din yung mga robot at wala namang nasaktan. Take note, sa panaginip ko may twitter accounts pa yung mga robot. Hanglabow.

 

So there. I guess this oversleeping thing is taking its toll on me. Maybe the bad dreams were given to me to wake me up earlier than I want and to be more productive. Okay, now back to work.

on pinoy games and kids

Posted: September 23, 2012 in Uncategorized

I am just so happy that almost every afternoon, Kelsey would go out to play with the kids who live next door. They would play habulan, taguan, langit lupa and patintero (among others). Seeing them play is like watching a vivid scene from my childhood. I’m happy that despite having her PSP, cellphone and laptop, Kelsey still enjoys playing with other kids. I get teary-eyed with the thought that some kids still play our traditional Filipino games. And since they don’t know what “Monkey monkey anabelle” is, I will teach them that game tomorrow. đŸ™‚

and i’m done

Posted: September 16, 2012 in Uncategorized

 

Because it usually doesn’t take long before we get up, turn our backs, let go, walk away and move on.