Archive for December, 2012

Priorities.

Used to be me.

Prior.It. Is.

 

Disappointing.

Always the same.

This. A. Point. In.

 

Notable.

Simple things.

Not. Able.

 

Control.

Do what I say.

Cunt. Roll.

 

Hoping.

Always trying to be involved.

Hop. In.

 

Alarming.

Anger rises.

All. Arming.

 

Letter.

Oh she needs this. Live with it.

Let. Her.

 

Different.

Hey I’m the girlfriend.

Defer. In. It.

 

Meddlesome.

Always in between.

Mid. Dwells. On.

Stay out of my shit.

Middle. Some.

You have your own pile of shit that requires a lot of fixing.

Meddle. Some. More.

 

Realizations.

Negative feelings disguised as happy emotions.

We’re all good at this,

Acing on lies.

Real. Lies. Ace. Ons.

 

 

*CherryRed December 4, 2012*

walang hiya hiya

Posted: December 12, 2012 in Uncategorized

Lately narealize ko na hindi sulit maging mahiyain. Lalo na kung may gusto kang kausapin o makilalang tao. Dati hindi ko magawang lumapit at mag-hello. O kaya magsimula ng usapan. Pero naisip ko kasi sayang naman ang pagkakataon. Kaya pakiramdam ko nitong mga nakaraang linggo napilit ko na rin ang sarili kong hindi mahiya. Nasobrahan pa yata yung pagiging hindi ko mahiyain. Pero yamo na. Mas okay na yun kesa habangbuhay nagtatanong sa sarili ng “ano kaya kung kinausap ko sya?” o kaya “shet sana kinausap ko sya.”

Nagsimula yata lahat ito nung nagpunta akong Davao noong 2010. Narealize kong yung author ng librong binabasa ko ay based doon. At dahil aliw na aliw ako sa mga lesbian stories na sinulat nya (dahil para lang akong nagbabasa ng sarili kong diary sa pagka-realate ko), naisipan ko syang i-message sa email nya na nahanap ko lang din habang andun ako sa Davao. Oo magaling ako magresearch, err mang-stalk. Anyway, game naman sya noon kaya lumabas kami at uminom. Swabe ng kwentuhan. Komportable ako agad sa kanya. Andami na agad namin napagkwentuhan sa ilang oras lang na magkasama kami. Pag-uwi ko noon naisip ko buti na lang hindi ako nahiyang makipagkita sa kanya. Pagkatapos ng gabing yon madalas pa rin kaming mag-usap online. Instant friend. Isa yun sa mga nakakatuwang nangyari sa akin nung 2010. Kasi madalang na akong magkaroon ng mga bagong kaibigan. Pero pagkatapos nga non parang ang friendly ko bigla. Weird man siguro, pero wala naman masama sa magsabi sa isang tao na “i find you interesting and im looking forward to share a friendship with you.” Kapag nadyahe sya syempre didistansya ka naman muna. Ganon lang naman yun. At sa mga ganyang sitwasyon, mismong mismo ang “honesty is the best policy”. Corny ba? Kasi pag ayaw mo makipag-usap sa tao madali naman sabihin yun ng diretso diba.

Naisip ko kasi dalawa lang naman yon. Kung lumapit ako sa isang tao para makipag-usap, makipagkilala o makipagkaibigan, it’s either hindi ako pansinin o pansinin ako. Sa dalawang yan, malaki ang posibilidad na magmukha akong tanga. E ano naman ngayon? Kung may makita akong tao na gusto kong kausapin, kilala ko man na o hindi pa, parang madali lang naman palang mag-“HI”. At sa HI na yan ay hindi mabilang na posibilidad ang maaaring kasunod. Pwedeng hindi ako pansinin ng taong yun at i-block sa Facebook o iwasan o kung ano man. Pwede ring pansinin nya ako at maging magkaibigan kami o kaya maging kami at makatuluyan ko sya. Dahil lang sa isang HI.

Point is, kapag may gustong kausapin o kung ano man – GO! Bakit ka papapigil sa hiya? Wala pa namang namamatay dahil lang hindi pinansin.

ang hirap kapag nag-eenjoy ako mas lalo akong umiinom. tapos tagpi-tagping alaala na lang ang matitira sa akin kinabukasan. ilang beses kong susubukang kalimutan ang mga naaalala ko pa. ilang beses susubukang alalahanin ang mga nakalimutan na. basta alam ko masaya yung gabing yon e. pero sana maalala ko pa ng mas malinaw ang bawat sandali.

tindi ng hangover kapag pagod ka tapos bigla kang iinom. may hangover pa yata ako. andaming putol putol na flashbacks na malinaw. pero dahil hindi ko maalala ng lubos, parang mga eksena lang na walang saysay. walang saysay pero may halaga. maayos ang framing tapos parang may cross-fade effect pa. seryoso. ganon yung flashbacks ko. pero walang audio. sayang.

naalala ko may panahon dati na ayoko nang uminom (o kaya konti lang) para lang sigurado akong hindi makalimutan yung mga importanteng sandali. siguro iaasa ko na lang sa mga susunod pa. kung mayroon man. forever na lang akong excited. mas okay yon kesa kapag masyado ka nang masaya at naalala mo pa lahat – hindi na nakakasabik ang mga susunod.