Archive for April, 2013

sadistang masokistang pag-ibig

Posted: April 29, 2013 in Uncategorized

 

mahiwaga kung paanong kumakapit sa sakit ang mga mangingibig

 

maiisip mo kung paanong paulit-ulit dinudurog ng isang tao ang puso mo

at mapapatanga na lang sa katotohanang sa bawat pagkakataon ay kusa mo pa itong inaabot

para muli’t muli ay saksakin nya

na parang sa pagsaksak sa iyo nakasalalay ang buhay nya

na parang sa bawat galos sa puso mo hinuhugot ang hininga mo para sa susunod na araw

 

parang kailangan mong maramdaman ang sakit para patuloy na maniwala’t manalig sa lahat ng mga kinakapitan mo

 

sa dulo, isang malaking kabalintunaan ang pag-ibig

sa huli, duguan ka na lang nakalupaypay sa sulok nang nakangiti dahil alam mong nagmahal ka ng sapat

 

CherryRed 042913

Pagitan

Posted: April 29, 2013 in Uncategorized

sa huling hampas ng tunog

at nang banayad na haplos ng intro

ay isang nakabibingi’t nakabubuwang

na dalawang segundong katahimikan

 

nakakabaliw

 

hindi matanggap na magtatapos na ang nauna

hindi makaintay na mag-umpisa na ang susunod

 

 

CherryRed 03202013