Archive for May, 2013

Gamitin mo ang imahinasyon mo at sundan ang sasabihin ko. Parte ka ng isang maliit na grupo ng taong nakaupo sa iisang mesa. Alak, yosi, kwento, tawanan. Sa gitna ng mesa ay may mga platong naglalaman ng dyahe pieces ng inorder mo mga tatlong oras na ang nakalipas. May mga maduming kubyertos na nakatabi sa gilid. May mga basong halos wala nang laman. May tatayo para kumuha ng isa pang bote ng beer, ng isa pang baso ng alak. Kasi bitin e. Hindi pa sapat ang amats. Sa gitna ng mesa may tistisan. Iisa lang. Lahat ng tao’y dito nagtataktak ng kanya-kanyang abo. Parang choreographed ang galaw. Madalang mangyaring may magkakasabay magtataktak at magkakapasuan ng pinakatatanging mga daliri. Isa-isang pipitik ng stick ng yosi pagkatapos humithit ng swabe. Pagkabuga’y tatagay o itutuloy ang kwento o makikihabol sa tawanang hindi inabutan. Ulitin ang prosesong ito hanggang mahilo at makaisip gumawa ng kung ano-anong katangahan. Pwede mong pagsisihan pag sober ka na. Yun eh kung maaalala mo pa kinabukasan.

Sa gitna ng kwentuhan at maingat na pag-inom ay may mga hindi mapapansin na sandaling titigan. Subtle lang, man. Lahat ng nangyayaring ito’y walang sapat na kahulugan. Andito lang tayong lahat para magsaya. Gets? Kung di mo gets yari ka.

Tapos dumating yung puntong gustong-gusto mo nang humithit. Kailangang-kailangan mo magyosi. At sa mismong sandaling yun tsaka mo pa malalamang wala ka na palang yosi. Hassle. Lahat ng tao abala pa rin sa pag-ulit sa steps na kwinento ko na kanina. Sisimple ka para kumuha ng isang stick sa tistisan at mabilis na hihithit. Ibabalik mo ang sigarilyo ng maayos. Na parang walang nangyari. Tapos tuloy ulit sa pakikipagbalitaktakan habang nilalasing ang diwa na parang wala nang bukas. Na parang kung ano man ang mangyari ngayon e ni hindi lalamat sa maayos mong hinaharap. Sa puntong ito hindi na importante ang brand. Dun ka sa kung alin ang available. Wag ka nang choosy. Kahit pa wet smoker ang may-ari nyan. Hithit. Soli. Solb. Di mo alam kung dahil nakuha mo ang gusto mo, o dahil hindi ka nahuli. Yung thrill ba o yung experience? Pero hindi naman ito significant na pangyayari sa buhay mo so there’s no point in over analyzing things.

Ganun lang yun. Parang mga upos na itatapon mamaya kapag lahat kayo’y napagod na at nagdesisyong umuwi. Parang mga abong kakapit sa gilid ng tistisan pagkatapos itapon ang mga upos. Parang yung feint na feint na amoy ng yosi at abo na matitira kahit pa pagkatapos banlawan yung ashtray para sa isa na namang bagong gabi ng pakikipaglaro ng hiluhan. Parang mga abong kakapit sa tistisan ng alaala mo. Andun lang pero hindi mo na bibisitahin. Lame memories you wouldn’t even remember. Or you wouldn’t even want to.

Hindi naman umabot sa puntong para kang pusang nakangisi na may kagat kagat na daga. Not even close. Basta nung sandaling yun gusto mo ng puff at nakasimple ka. Pag napagod ka na sa wakas at nagdesisyong umuwi, magpapaalam ka pa sa may-ari nung yosi. Ngingitian mo sya na parang wala kang atraso.

Naki-puff lang ko. Ni hindi nyo nga napansin e. Hindi ko naman gustong kunin yung buong yosi mo, chong. Lalong hindi ko aagawin ang mga isinubi mong supply para hindi ka abutan ng “hassle wala na akong yosi” moment. I badly needed a puff and so i did what i think was necessary. Pagkatapos ng mahigit dalawamput apat na oras umalis na din ang hangover at lumayas na din ang katiting na guilt na dumapo sa akin.

To say that these past days were crazy will be an understatement. Still asking myself if the sheer adrenaline rush was worth all the bullshit. If there’s any consolation, it was that I learned a couple of things.

You see, without feelings

A kiss is just a kiss

And lips are just lips.

 

 

CherryRed 053013

Advertisements

Lesbyananay blues

Posted: May 29, 2013 in Uncategorized

Baby pa si Kelsey noon. Sipon na sipon. Hindi pa siya marunong suminga pero hirap na hirap nang huminga dahil sa baradong ilong. Meron akong maliit na pang suction sa ilong pero hindi naman effective. Ang ending, hinigop ko yung sipon nya. Oo, kebs kung kadiri man o ano. Hindi makahinga yung anak ko e.

Hindi ko rin alam kung bakit bigla kong naisip yung araw na yun. Pero kapag binabalikan ko yung alaalang yun talagang sariwang sariwa yung dating. Parang kanina lang nangyari. Yun yung pakiramdam na talagang nakakabusog sa puso ko. Yung nakakatakot pero nakakataba ng pusong pakiramdam na seryoso kailangan ako nitong batang ito. At ang kaakibat noong responsibilidad.

Labo lang. Koneksyon sa pre-schoolyear 2013 thoughts ko. Agit na agit ako na pasukan na sa isang linggo. Tapos na ang bakasyon, ni hindi ko nadala sa beach si Kelsey. May ilang araw pa naman ako. Makuha ko lang ang pinakaiintay na cheke, susulitin ko yung natitirang mga araw sa bakasyon.

Edi pasukan na nga sa isang linggo. Balik tayo sa proseso ng pamimili ng mga gamit sa school, pago-grocery para sa masustansyang mga baon. Paborito kong pinaghahanda si Kelsey ng baon kapag umaga tapos aayusin ko yung buhok nya. Paborito ko din bilan sya ng mga cute na gamit sa school at isang cute na pencil case. Gusto ko yung Lego pero malaki yata masyado.

Pasukan na naman. Pupunta na naman ako sa school para ihatid si Kelsey sa first day nya bilang isang Grade 4. Shet. Anlaki na ng anak ko. Halos anim na taon na akong naghahatid bawat unang araw ng klase. Bawat pasukan may ganoong pakiramdam na medyo nakakalungkot. Lumalaki na sya. Bawat taon humahaba ang oras nya sa school, umiikli ang oras nya sa bahay. Nakakalungkot kasi ngayong gustong gusto nya pa akong kasama, madalas abala ako sa trabaho o sa kung ano ano pang mga bagay. Shock boogie. Baka isang araw meron na akong madaming madaming oras pero ayaw nya na akong kasama. O hindi naman ayaw pero mas gusto nya nang kasama yung mga kaibigan niya.

Pinaka-hate ko pa sa pasukan kapag makikita mo yung mga co-parents mo na nagsusumigaw ng “disente” kami. O praning lang ako. Pero chong, iba talaga yung dating ng tingin nila habang medyo pasimpleng sinusulyapan yung green at pink kong buhok o kaya yung mga tattoo ko. O kung kasama ko si Monique maghatid tapos makikita nilang pagkatapos namin pabaunan ng tig-isang halik si Kelsey e magkaakbay kaming aalis. Paki nyo? Pinapakialaman ko ba ang mga super-mainstream-very-typical hairdos at porma nyo? Actually keribels lang. Hanggat wala namang ginagawa sa akin tatahimik na lang ako. Wag na wag lang ibully ng mga anak nyo si Kelsey dahil sa akin at sa pamilya namin. Matagal na akong nag-unat-unat para sa catfight with a co-parent e. Haha. Joke lang.

Okay. Parang pusang isinako at iniligaw tapos nakalabas ng sako at sinusubukang hanapin ang daang pauwi ang drama ng blog na ito. Walang direksyon. Paikot ikot pero hindi talaga alam kung saan nga ba papunta.

Basta nakakalungkot bawat pasukan. Siguro sa college graduation ni Kelsey magbre-breakdown ako. Dalawang Cha ang iiyak ng malakas. Isang masayang ako dahil nakapagtapos na sya at tapos na ang gastos. Yung isa pang ako iiyak na mabigat ang loob dahil malaki na ang anak ko at baka ito na yung araw na kahit kelan hindi ako magiging handang harapin, yung araw na hindi nya na ako kailangan.

Haaaay. Ang gusto ko lang anak, bagalan mo naman ang paglaki mo please. 😦

year of the snake nga pala

Posted: May 25, 2013 in Uncategorized

Bilog na bilog ang nagmamagandang buwan kagabi. Kaya siguro parang baliw ang moda ng mga tao. Hindi ko din alam. Baka sumasakto lang ng timing sa mga topak nila. Kanya-kanyang reklamo, kanya-kanyang problema. Kasi hindi makuntento. Yun siguro yung sikreto sa kaligayahan ng kahit sino – yung maging kuntento. Hindi yung susunggaban mo kahit anong pwede mong maharbat.

E sakto, taon ng mga ahas ngayon. Pero kung ahas ka, hindi mo naman kasalanang manuklaw. Kasi kung ahas ka pinanganak ka para gawin yun. Trabaho mong manuklaw. Sisimple kapag walang nakatingin. Ganon. Ultimate passion mo sa buhay ang ialok sa lahat ng tao ang mansanas mo. Parang avon lady lang. Sss. Sss. Tukso tukso.

Ingat lang siguro kapag bilog ang buwan ngayong taon. Baka mas wild din ang mga kaahasan.

 

ChaCherryRed

052513

?

Posted: May 24, 2013 in Uncategorized

Kung kailan pa napakadaming nangyayari sa buhay ko, dun pa ako hindi makasulat. Dinidikdik ang utak pero wala pa rin. Bakit kaya?