Archive for October, 2013

kung bakit hindi ka titikman

Posted: October 17, 2013 in Uncategorized

Image

iyon lang naman ang kaganapan ng kahit anong pagnanasa’t gusto

kapag natikman na’y malalaman sa wakas ang misteryong matagal ng bumabagabag

ang misteryong nagbibigay ng gigil sa araw-araw

ang misteryong kinakapitan mo sa tuwing makikita ang isinisigaw ng puso’t puson

kapag natikman na’y mababawasan ang misteryo hanggang sa numipis ang damdaming dati’y nagwawala

 

mas kumakapit pa rin ako sa tuwang dulot ng misteryo, ng pagtitiis, ng paghabol sa hindi makuha

minsan mas lubos ang kaligayahang pabutil-butil, tingi-tingi

mga ngiting mas nakakabusog kaysa sa isang matagal at mabagal na pagniniig ng mga labi

mga tinging mas nagbibigay ng init sa pagkatao kaysa sa pag-uusap ng mga daliri mo at ng balat ko

 

kaya mas pinipili kong wag na lang tumikim

 

 

Advertisements