Archive for November, 2013

Editing Blues

Posted: November 28, 2013 in Uncategorized
  • Split frames do not work in real life
  • It isn’t the right audio file for the video. Impossible to sync.
  • If only we can edit our own lives.  Happy moments in slow motion. Shitty parts removed.
  • Splice.
  • I guess “shoot with editing in mind” is as important in real life as it is in film.
  • Mise-en-scene.
  • Suspension of disbelief.
  • Deus ex machina.
  • I love it how you can rearrange clips and change the ending. Most of the time, not following the real order presented in the screenplay but turning out to be better.
  • Sometimes I wish I’m against chroma background and I can just change the background whenever I feel like it.
  • Crossfade into you.
  • Audio up and under for.
  • Three point lighting.
  • PAL. NTSC. Two clips that look good apart but you just can’t be together. Or the other one has to be converted.
  • You are not the background music. You are the soundtrack.
  • We have always been so shaky. Experimental film.
  • You see, after all the hard work you did. You will always have to “burn” it after.

 

CherryRed

Advertisements

50mm

Posted: November 28, 2013 in Uncategorized

 

matalas at malinaw

lahat ng nasa likod ay malabo na

defocus, wash-out na sila

ikaw lang ang nakikita

 

kailangan kong lumayo para makita ang buong eksena

 

kapag malapit masyado, punong-puno na lang ng ikaw

hindi ko na makita ang mga nasa paligid

 

kapag malayo, kita lahat

pero ikaw na pinaglalaanan ng kuha masyadong maliit na

hindi ko na makita ang mata, hindi madama ang emosyon

 

at wala naman talagang pagpipiliang nasa gitna

laging malayo o malapit

malinaw o malabo

meron o wala

 

wala naman talaga

talagang talagang talagang talagang talaga

 

 

CherryRed 112713

malapit na

Posted: November 19, 2013 in Uncategorized

gaya ng bulkang malapit nang sumabog

ilandaang taong natulog

ginising ng kinimkim na galit

 

sa pag-agos ng lahat ng itinago

wala nang pakialam

sino man ang madaanan at mapaso

 

 

cherryred 111913

Magkaribal

Posted: November 15, 2013 in Uncategorized

 

nakapagtatakang

walang kalaban-laban

ang araw

sa buwan

 

sa pangangarinyo

sa kati at taog

ng mundo

 

ang araw ay katumbas

ng pitumpu’t pitong milyong buwan

 

sa paraan ng sandaigdigan

lapit ay mas matimbang kaysa malayong kabigatan

 

 

hindi rin.

 

 

CherryRed

antok

Posted: November 11, 2013 in Uncategorized

sabi nila, dalawang bagay ang pinakamahirap antayin – antok at sintang di na babalik

 

ilang araw din akong nakipagtitigan sa kisame

nagbasa ng mga libro, nanood ng pelikula

nakipag-usap magdamag

para dalawin lang ng antok

 

nariyang makatulog kakaiyak

gigising ng maga ang mata

pagod sa hilaw na idlip

 

hindi na ako nahihirapang matulog

andyan lang ang antok kapag sumayad ang pagod na katawan sa kama

buo at masarap na ang tulog ko

 

tapos na nga siguro ang paghihintay

 

 

 

CherryRed 111113

jumpcuts of memories II

Posted: November 8, 2013 in Uncategorized

Part I:

the grand gesture.

the look on your face.

how can you look at people like that?

you looked at me directly.

maybe for you it was just a moment

but everything that followed changed for me.

 

Part II.

you looked at me during that line.

you smiled.

did that gesture. that gesture.

you made me sip from your cup. several times.

you just had a haircut. you asked if it was too short.

i answered by brushing my fingers through your hair.

you did not even shrug.

you opened the door for me even before i said yes.

aurora.

 

Part III.

you were looking at me when you offered a drink

looking directly, not blinking, not smiling, just looking

standing there and just looking

and i hate it when you look at me like that as if you know what you can do.

and you kept asking. but i don’t know how to answer.

then again that gesture. this time a little too long. or not.

sometimes i won’t hear you. you’d lean and whisper to my ear.

we laughed. and talked. and talked. and laughed.

you told me stories of your heartbreak.

you smiled. you sighed. you looked in my eyes.

 

CUT TO:

me in your arms. you in my arms. i don’t know how long it lasted.

no one was speaking. no one moving.

we were still. just there.

i can feel your heartbeat.

the warmth of your skin.

i remember the smell of your hair.

the softness of your cheeks.

the nape of your neck.

 

touch. but mostly thought.

i love nights that start noisy. and we’d be left alone after. our voices the only sound that fill the room.

it’s hard to tell time when i’m with you. and i always have to be sober to remember the details. i won’t be drinking the next time.

 

quiet, insistent.

you are special.

i don’t have to see you to know.

 

CherryRed 110813

 

kapit. bitaw.

Posted: November 7, 2013 in Uncategorized

kapit

bakit mag-iintay sa kaligayahang salat?

bitaw

nag-iintay ang bagong umaga

kapit

sa mapag-alinlangang haplos

bitaw

nang madama ang kapurit na lubos

kapit

sa hampas ng hanging nag-aalimpuyo

bitaw

para maranasan ang hinahanap ng puso

kapit

sa panandaliang wagas

bitaw

sa nakaraang tumatakas

 

at sa pagitan ng dito at diyan. sa pagitan ng mabagal na umaga at mahahabang gabi. sa pagitan ng mga hikbi’t halakhak. doon kita hahanapin. igigiit ang gigil na walang hanggan. ang pagnanasang kaytagal pinigilan. mag-aabot tayo sa panaginip. ibubulong sa iyo ng buwan ang dasal. babatiin ka ng mainit na araw sa umaga. parang pagdampi ng hangin sa pisngi mong laging hinahangad.

 

sa pagitan ng pag-iintay mabibitawan ba ang mga bagay na di naman talagang pwedeng kapitan?

anong nag-iintay sa pagbalik?

hihintayin ba ang mga taong di naman nagpaalam?

yayapusin na ba ang bumubulong na sinta?

 

mabagal. mabagal. at walang pagmamadali. sabi mo nga, walang hindi kayang hilumin ang panahon.

hanggang sa muling pagsayad ng palad mo sa palad ko.

 

alam mong kasama mo lang ako.

 

 

CherryRed 110713