Archive for January, 2014

home sweet home

Posted: January 8, 2014 in Uncategorized

a night may be wild but nothing can compare to waking up in your own bed. no matter how drunk you get, you can always find your way back home. always. 

Advertisements

pericutaneous space

Posted: January 8, 2014 in Uncategorized

sensasyong dulot ng paglapit kahit hindi sumayad. madalas sakit, sarap, kiliti. dahil tama naman, hindi mo naman kailangang lumapat ng mabuti para makaapekto.

kaya ang sinuman ay may kapangyarihang magdulot ng tuwa’t pighati. kiliti. laro sa damdamin. laro sa laman. sarap sa puso. mga paru-parong nagliliparan. sakit na walang hanggan. dahil lahat ay nasa isip lang naman.

kaya daw makapangyarihan ang pericutaneous space kasi yung perception mo mismo nahihirapang iproseso yung mga nangyayari. laging may overlap. pakiramdam vs. nakikita mo vs. ano talaga yung nangyayari.

hindi nag-uusap ang mga daliri mo at balat ko pero may dulot na pakiramdam.

hindi mo dinudurog ang puso ko pero nagdurugo sa sakit.

binubuhay at pinapatay mo ako bago ka pa man lumapit.

 

Pericutaneous Space: The space just outside our bodies but which might be near to touching it. Visual-tactile perceptive fields overlap in processing this space so that, for example, an individual might see a feather as not touching their skin but still feel the inklings of being tickled when it hovers just above their hand.

 

CherryRed 010814

sa paglimot

Posted: January 8, 2014 in Uncategorized

dahil ramdam ka kahit wala ka. at mukhang hinding-hindi ko maitatawid ang sarili palayo sa mga alaala mo. isang bangin ng mga memoryang mahirap ahunan. kumunoy. habang nagpupumiglas akong makawala, lalo lang akong lumulubog. alaala. matalas daw ang memorya ko. minsan hindi ko alam kung okay yun. nitong mga nakaraang buwan parang pumupurol na nga. ang dali kong makalimot. kapag may magandang nangyayari, sinusulat ko agad para hindi ko makalimutan. linya, galaw, pagkakataon, haplos, tingin, tawa, boses, tunog, kanta, luha, ngiti, mata, labi, bisig, sarap, saya, sakit. kahit ano pa yan, sinusulat ko lahat pag-uwi, bago matulog. para pag gising ko siguradong mababasa ko at maaalala ng mas malinaw. hindi ko na kailangang mangambang maiiwan sa pagkakahimbing ang mga alaala o lumipas na lang katulad ng kalasingan ko.

ang nakakatawang nakakainis, madaling makaalala pero mahirap lumimot. hindi simpleng pagbura ko ng mga salita sa notebook ko mawawala na ang kung sino man sa alaala ko. sana nga ganon kadali yun noh? Eternal Sunshine of the Spotless Mind. minsan hindi mo alam kung may mga bagay na nangyaring dapat mong ipagpasalamat o mas magandang i-undo na lang. sarap na salita ng undo. bawi. unlearn. unkiss. unhug. unsee. unmeet. unmakeout. unimagine. untouch. unlove. unaffect. powerful pala ang “un”. pero isang malaking joke lang naman yang mga “un” words na yan. madalas madali lang sabihin.

o hindi na lang sana nangyari ang mga nangyari? yun ba ang paghuhugutan ng katahimikan ng litong puso? may kalma bang kasunod kung sakaling nalaman mo kung kelan yung huli? para alam mo kung kakapit ka o bibitaw? kung luluwagan o hihigpitan ang hawak. para hindi ka nagsisisi sa kung anong dapat mong ginawa o sinabi? ibang-iba kasi kapag alam mong may kasunod pa e. pero madalas sa hindi, lakas magtrip ng buhay sa atin. kung kailan lutang na lutang ka sa saya, biglang bagsak. free fall. kung kailan hindi ka handa. free fall kung kelan walang sasalo. ano nga ba naman ang mahulog at masugatan? parte ng buhay yan e. kung sakto lang naman at hindi naman matinding hulog, tatayo ka lang naman at hihintayin ang mga galos na maghilom.

minsan masarap din yung makakita ng pisikal na marka ng katangahan. galos. pasa. gasgas. sugat. kasi nakikita mong naghihilom ka sa bawat araw na dumadaan. bawat araw may nakikita kang natatanggal na balat na natuyuan ng dugo. bawat araw may sumisilip na bagong balat. makinis at handang-handa sa muli mong pagbagsak.

lahat naman natututo sa mali o tamang pagbagsak. pero paano kung muli’t muli kang bumabagsak sa bawat pagkakataong pinaglalaruan ka na naman ng mga bagay na pinipilit mong takasan.

masokista din ang tao. may mga pagbagsak na tatanggapin mo na lang ng nakangiti. mas pribilehiyo pa kesa kamalasan. pag naiisip ko yung mga ganong pagkakataon naaalala ko yung linya sa The Fault in Our Stars ni John Green. Sabi doon “It would be a privilege to have my heart broken by you.”

patay. yun e. pero ayos lang naman yung kusang-loob mong dukutin ang puso mo at ibigay sa isang tao. wala namang masama doon. basta alam mo lang kung anong tinataya mo. kung ayos lang sayong masaktan, edi mabuti. i-enjoy at damdamin mo yung sakit hanggang kaya mo. na parang dun nakasalalay ang buhay mo. minsan masarap din yun e. yung sakit na literal na gumuguhit sa dibdib. yung pisikal na sakit na mahapdi sa puso. minsan ang sarap isipin na kaya mong magtiis ng sakit para sa isang tao. minsan may kapanatagang dala yun sa loob, na alam mo nagmahal ka ng lubos.

at kapag ganon, wag ka nang umasang makakalimot ka katulad ng ninanais mo. mali. erase. kapag ganon, wag mo nang lokohin yung sarili mo na gusto mo ngang makalimot. kasi alam mo naman yung totoo. ayaw mo. gusto mong kumapit sa alaala, sapat man o bitin. gusto mong balik-balikan, masakit man o masaya.

na ayaw mong mawala yung sakit, dahil yun na lang yung pinakatotoong nararamdaman mo mula sa isang tao. tunay at wagas na sakit mula sayo para sa akin. tunay at wagas na sakit mula sa kin para sayo.

minsan, mga damdamin na mismo ang tumatakas mula sa puso mo. bawat araw nababawasan hanggang maubos. ikaw itong hindi alam ang gagawin at hindi alam kung anong gusto. minsan gusto mong maramdaman na lang ang paglipad palayo ng mga emosyon mo. minsan gusto mong balikan lahat ng masasayang alaala para manatili pa rin ang kung ano mang natitira.

sa huli, dalawang bagay lang naman lagi ang pinagpipilian. paglimot o pag-alala. kapit o bitaw. pananatili o pag-alis. pagtuloy o paghinto. ikaw o siya. siya o ako. ngayon o bukas. ngayon o kahapon. bukas o kahapon.

sabay babasahin mo lahat ng mga alaala mong prineserba ng paglapat ng tinta sa papel. at balik ka na naman sa simula.

 

 

CherryRed 010814

a toast to sour mash lips

Posted: January 6, 2014 in Uncategorized

mellowed

     for smoothness

drop by drop through sugar maple charcoal

 

matured

     for character

in our own handcrafted barrels

 

tasted

     for flavor

by masters

until deemed ready

 

awarded

     for quality and distinction

 

“every day we make it, we’ll make it the best we can”

 

best enjoyed responsibly

 

the constant cravings and anticipation

the never-ending hangovers and chase

 

i wish to always be in between

just be at the exact place and time

when things are actually happening

 

bottoms up!

 

 

CherryRed 010614

Laro Tayo

Posted: January 6, 2014 in Uncategorized

apir. disappear. one-half. one-fourth.

 

apir

langit

 

disappear

lupa, impyerno

 

apir

saksak puso

 

disappear

tulo ang dugo

 

apir

patay

 

disappear

buhay

 

apir

umalis ka na diyan

 

disappear

 

CherryRed 0106014

nakakabingi

Posted: January 3, 2014 in Uncategorized

masyadong tahimik ang pasok ng taong ito

naghahanap na ng ingay ang mga tenga ko