Archive for December, 2014

southbound

Posted: December 23, 2014 in Uncategorized

para sa paborito kong bedmate

akala ko dati di na ako ulit makakatula

akala ko lagi na lang kulang sa mga sukat at tugma

andami palang naipong mga salita sa dulo ng dila ko

lumabas sa bibig mo nung naglakbay ako sa pagitan ng mga hita mo

apoy na nagbibigay-buhay

gumigising sa kalamnan

nagapadaloy ng dugo sa mga ugat

gabi-gabi na lang tayong tumutulay sa alambre

lumalangoy sa kumunoy

paano ako aahon kung pumako na ang mga ngiti sa pisngi?

madami tayong mga pinagkakaganahan na hindi maiintindihan ng sikmura

kumain tayo ng kulay

uminom ng mga kanta

tumagay ng mga salita

ang bawat gabi ay hawla ng mga kaibigan at mangingibig

kusa akong nagpapakulong kahit hindi naman nakakandado

dala mo ay takot

dala mo ay pait

dala mo ay sakit

dala mo ay lagkit

mahigpit ang kapit

dala mo’y musika ng mga langitngit

sa gitna ng pagkapit at pagpisil

habang nakasabunot ka sa akin

at nakabaon ang mga ngipin ko sa balikat mo

nagkatinginan tayo at naisip kong

“KAYA KONG SABIHING ANG SARAP-SARAP MO PERO HINDI AKO AAMIN NA MAHAL KITA.”

dahil gusto kong gibain natin ang mga kahon na tumatalukbong sa mga bagay na dapat ay masaya lang naman

isisigaw ko ang pangalan mo

habang kinakalabit mo ang katawan kong parang gitara sa kandungan mo

ang sarap-sarap mong tuklasin

dahil sa bawat araw na tinutuklas kita

bawat araw na kinikilala kita

nakikilala ko din ang sarili ko

natutuklasan ko din ang pagkatao ko

at kapag wala ka

hindi ako nangungulila

alam kong may parte mong naiwang nakaipit sa mga kuko ko

at sa mga gabing hindi ka kasama

alam kong simple lang ang dapat gawin

hahagkan ko ang aking mga daliri sa alaala ng iyong balat

Cherry Red 121914