Scar Tissue

Posted: June 4, 2015 in Uncategorized

habang pinakikinggan ang awit
nilalamon ako ng paghahanap
ng pananabik ko sayo

ang bawat nota
palo
kalabit
salita
na naririnig ko
ay nagdadala sa akin
sa lugar kung saan
buhay ang mga alaala mo

malungkot at nakapagtatakang
sa bawat sandaling ito
nilulukob at minumulto ako
ng makukulit
at hindi mamatay-matay
na mga panaginip ko tungkol sayo

pero matatapos din ang kanta
at papatayin ko ang radyo
tulad ng mga alaala mo
unti-unti
dahan-dahan
marahan
pero paniguradong
papatayin ko na sa aking isipan

CherryRed

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s